NPJN Muntinlupa Chapter

Ang NPJN Cupang Muntinlupa Chapter ay nagsimula noong 1980's, sa pangunguna ng pamilya Arches at Lavarez ng Purok 2, sapagkat sila talaga ang lihitimong mga taga Quiapo. Noong kapanahunan na yon ay may ilan ilang taga Geremillo St. (Kalye Abnoy) at taga purok 2 ang sumali sa kapatiran. Ng lumaon ay nagkahiwahiwalay din sa kadahilanan, nag kapamilya at nangibang bansa na ang ilan.

At kamakaylan lamang sa pagitan ng year 2004-2005, ang ating kapatid na si REMCHIE RODOLFO ay nagsimulang mamanata sa quiapo. Doon, nagka tagpo tagpo sila ng ilan pang deboto ng Purok 2, sa pangunguna ng ating Pangulong Vivencio Pumanes (Jay-r) at ang dating Pangulo ng NPJN na si Camilo Maulion (Toto), Arnel Medina (Mama), Danilo Demetrio at ang mga anak nito, ang mga beterano na taga TUKLAS sa pamumuno ni Manulito Vistan (ESTONG), sa mag kasunod na taon na pagkikita nila sa quiapo, nag pasya ang ating kapatid na si Remchie na kumuha ng sasakyan upang makapagsama pa ng marami para sa pagdiriwang ng 400 years ng ating Mahal na Senior. Noong 2006, 400 years ng SENIOR, na kauna unahang ginanap sa Luneta Grandstand, nakapagsama na ng bago Deboto mula sa Purok uno at Purok Dos. Dito napabilang ang ating yumaong kapatid na si Apolinar Lopena Jr. (PONGA). Dalawang taong magkasunod na ginawa ni Remchie ang pag sponsor ng sasakyan sa mga baguhang deboto ng Cupang.

Sa buong taon ng 2008, Palagiang naka gawian ang pagsisimba sa quiapo tuwing huling Biyernes ng buwan. Nadagdagan ng nadagdagan ang miyembro. Nakabilang na ang unang apat na babaeng miyembro na sina, Peachie, Badang, Noralyn at Ima.

January 9, 2009, bumibilang na ang miyembro ng dalawangpu hanggang tatlongpu. Purok uno at Dos at mga taga Tuklas ang mga kabilang dito. May libre sasakyan, uniporme, at pananghalian sa tahanan ng ARCHES-LAVAREZ sa Nepomuceno St. cor Arlegui Quiapo Manila. Pinahiram rin nila ang ISTANDARTE na ginamit pa noong 1980's. Kung mapapansin ninyo, natatangi ang ating istandarte na sadyang binurda sa tela mismo ng banner hindi ito patch tulad ng ibang istandarte na ating nakikita. Kaya lubos ang pag aalaga dito at hindi maaaring isayad sa lupa.

Sa pagpanaw ni Ponga noong February 1, 2009 lalong tumibay ang kapatiran at umigting ang pangako ni Remchie sa Senior na pararamihin nya ang deboto na nag mula sa Cupang Muntinlupa. Nang magmamahal na araw, sa preparasyon ng Good Friday, Nabuo ang NPJN Cupang Muntilupa Chapter sa Pamumuno ni Camilo Maulion (TOTO) at sa tulong ng ibang kapatid na sila Peter Lascano, Vivencio Pumanes, Remchie Rodolfo, Arnel Medina, Shercona Guttierez (WoWong) at Peachie Cruz. Dito, unti unti naisaayos ang kapatiran at sa bawat taon ay nadadagdagan pa ang kasapi sa kapatiran....

Ngayon 2013 Translacion, maaring umabot na ng dalawang daang miyembro ang NPJN Cupang Muntinlupa Chapter salamat sa patuloy na pagsuporta na mula kay Remchie Rodolfo...

Sa ating mga kapatid, mamanata tayo ng buong puso at naway alisin natin ang kaugaliang hindi kanais nais at mamuhay tayo ng naaayon sa gusto ng NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!

VIVA SENIOR!