EDUCATION BATCH 99 UM TAGUM COLLEGE

"Somebody Else's Fairy Tale" Lahat naman siguro ng tao ay naghahangad ng mala-fairy tale na love story—lalong-lalo na ang mga girls! They usually spend their daytime fantasizing about a perfect love story that they wish would happen to them one day. But dearie, life is no fairy tale. Not everything that we wish would eventually come true. In my twenty-four years of existence, marami na rin akong nakasalamuhang tao na may iba’t-ibang kwento pagdating sa love. May mga fan girls na na inlove sa mga taong iniidolo nila. Sila yung tipo na susuyurin ang lahat ng malls at gagawin ang lahat mapansin lang sila ng mga iniidolo nila. Pero sila rin yung mga taong alam na langit at lupa ang peg nila ng taong pinili nilang hangaan. Kumbaga, maliit ang chance na magkatotoo ang fairy tale na inaasam nila. May mga friends ako na niloko ng mga jowa nila. Dito madalas mag init ang ulo ko. Yung tipong magtatanong sila ng, “Should I really give up now?” Kapag naman sinabi mong oo, parang hindi ka rin nila narinig at magpapatuloy lang sa pagpapakatanga. Meron din namang hanggang ngayon ay umaasa na babalikan siya ‘nung ex niya. Nakakaawa yung mga ganitong tao. Yung mga tipong hindi maka-move on sa mga buhay nila. Kunsabagay, kelan nga ba naging madali ang pagmu-move-on kung buong buhay mo ay inakala mong siya na nga. Tapos, magigising ka na lang isang araw na iba na pinag-aalayan niya ng buhay niya. Ang saklap lang, di ba? Anyway, I found out just lately na ‘yung isa kong friend ay na inlove sa guy best friend niya. It may sound cliché pero karamihan naman siguro sa atin ay nakaranas ng ganito—yung ma-inlove sa isang taong buong buhay natin ay inakala nating kaibigan lang ang magiging turing natin. Pero nangyayari talaga ang ganito sa totoong buhay. Iyong tipo na gigising ka na lang isang umaga na mahal mo na siya. Na hindi na lang isang simpleng kaibigan ang turing mo sa kanya. You wake up one day and realize that you no longer want to be just friends with him. You want something more—something that is deeper, intense and more beautiful. Pero paano kung may iba nang mahal ang best friend mo? Paano kung nakatali na siya sa isang relasyon na alam mong siyang magiging hadlang sa kaligayahan mo? Are you willing to give in, or would you rather take a chance for your feelings for him? But you also have to accept the fact that once you choose to fight for your feelings, you’re friendship with him is at stake. You either get him or lose him. And it’s an inevitable truth. Kapag pinili mong ipaglaban siya, maaaring hindi ka niya magawang ipaglaban at umuwi kang luhaan. But of course, that’s not always the case. There are times when two friends actually becomes more than friends. But what if—just what if—hindi mo nagawang agawin ang puso ng best friend mo sa taong mahal niya, anong gagawin mo? Tuluyan ka bang magpaparaya at tatanggapin sa sarili mong maybe it’s not really meant for you. Maybe, just maybe, it’s not yet your fairy tale but Somebody Else’s Fairy Tale. Alam kong sa una ay mahirap tanggapin na hindi magiging kayo ng taong mahal mo. But eventually, you’ll get through it. Sa una lang ‘yan masakit, trust me. Totoo pa rin ang gasgas na kasabihang time heals all wounds. Kung darating ka sa puntong malulungkot ka at magtatanong sa akin ng, “Don’t I deserve a happy ending?” Eto ang magiging sagot ko sayo, of course you do! Everyone else in this world deserves a happy ending. But maybe all we have to do for now is wait for that perfect time where God would bestow us the love that we deserve. And while waiting, you can do a lot of things to keep yourself occupied. I suggest that you go out, my dear. Extend your horizon! Meet new people of your age who have the same interest as yours. Remember that it is through socialization that your chances of finding Mr. Right gets high. And lastly, pray. Trust God that one day, He’ll give you your utmost desire. Pero again. Huwag magmamadali. Masarap makuha ang isang bagay na pinaghihirapan. Matutong maghintay dahil may instances na dine-delay ni Lord ang mga gusto nating makamtam hindi dahil sa gusto niya tayong pahirapan. Siguro ay gusto niya lang ipaintindi sa atin ang kahalagahan ng isang bagay. Para kapag ibinigay na niya ito sa atin, magawa natin iyong pahahalagahan. (If you have your own story, you can send it through PM and I'll gladly feature it here on my page. Thanks and God bless everyone!) -Madam Admin smile emoticon