Asmodeus (Dragon Nest)

RULES is RULES
1. 3-4 Days is Ultimatum Kick unless it has a good "REASON"
2. NO BUY and SELLING in the Guild Chat.. Example " Selling Gold Or Buying Gold in PHP"...
3. Bawal masyadong PASAWAY!.. " yan ang mahirap kontrolin sa members dito.. sana naman konting unawa sa ibang MEMBER.
4. Bawal masyado Magyabang ng Sobra.. Pede mo Ipagmalaki. Wag mo Lang Lalaitin.. " LAHAT TAYO NAGSIMULA NG LVL 1. Kaya wag masyado maangas.. hahaha..
5. wag mapang husga sa kapwa at mapang lait. porket bagong sali lang d2 sa groups. tatawagin mo na ka agad poser na babae? or di kaya bakla?. paki alamanan mo muna ang iyong sarili mo bago yung ibang tao.. baka ikaw yung nagkulang sa respeto indi sila.
6. eto di maiwasan sa guild yung panghihingi " BEGGAR or PULUBE " na tinatawag. sana naman po intindihin nyo yung ibang members nagpapakahirap mag farm at mag nest/boost or anu man ang diskarte para kumita ng gold sa bawat araw tapos kayo hihingi lang?. para san pa yang karakter mo? kung di ka kikilos?. display lang ba nagpapaka happy go lucky lang kayo.. isipin nyo bawat oras na inuupo mo sa upuan na nag aantay ng biyaya. kung kumilos ka edi sana kumikita pa kahit karampot na gold. and2 lang naman kame para magbigay ng info at tips para makatulong. sana makaintindi den kayo sa iba.. di ka namen dito sinali sa guild para manghingi. tuturuan ka namen lumakas at matuto yumaman sa abot ng aming kaalamanan..
7. sa mga andito sa guild page na to. pasensya na kung nasisipa den kayo dito mga idol.. kaya nga tinawag na guild page it means for " Asmodeus Only ". pede naman kayo bumalik sa guild page mahalaga andun den karakter nyo sa guild.
8. ito talaga di maiwasan sa guild yung tinatawag na "LAKAS TRIP" yung may magtatanong ng matino about sa DN.. ang isasagot naman ng iba pabalang(pang asar na sagot). may mapagkatuwaan lang sila. sana ilagay sa lugar yung pagbibiro.. okay lang sana kung mga jokes/pang asar mo is "CLOSE/Feeling CLOSE" na kayo ng nagtatanong okay yun sana.. pano kung inde diba?. syempre maiinis/mabadtrip yung tao. hangga't maari iwasan or bawasan mga ganito. sa mga members dyan na luma or bago.. konting intindi at napakahaba dapat ng pasensya mo idol. kase may mga ganung tao talaga.. walang perpektong guild. lahat ginagawan ng adjustment para mapanaitili maging maayos ang samahan.
9. Only 1 karakter per guild lang tayo idol para di sayang slot. give way sa mga interesado at gusto sumali sa guild. madame nag aabang para lang magkaslot. yung iba dyan mga baguhan lang. at mga nagbabalik loob lang sa game.. kaya if ever mahuli may 2nd/3rd karakter sa guild na may proof. sure kick BOTH sa guild idol.
10. lahat ng nag popost ng NON-MEMBER of Asmodeus dito sa page.. automatic remove agad.. kase this is only for Asmodeus Page Only :)
11. Official Tambayan Channel 10 NPC(Guild Master Gunther) Saint Haven or Trading House :D
(Temporary Tambayan) - Channel 6 Warehouse NPC John (Near ThemePark - Saint Haven.

"GOD IS GOOD" - Asmodeus Become Good At All Times